Posted on

Release For My Special Valentine Bestsellers

Here are our titles for My Special Valentine Bestsellers!
Release for My Special Valentine Bestsellers
Want to read the story teasers?

Previews

Midnight Heart
Jasmine Han

     Napatitig si Dayne sa mga puting rosas na iniaabot sa kanya ni Randall—isang pumpon ng pinakamagaganda at pinaka-fresh na mga rosas na nakita niya. Nang-iinsulto ba ito?
     “Simbolo ng dalisay kong pag-ibig.”
     Lalong nag-init ang kanyang ulo nang marinig ang mga katagang iyon. Ngunit nang tumingin siya rito at makitang nakangiti ito, ngiting nagpapakislap sa mga mata nito, isang tipid na ngiti rin ang ibinigay niya.
     “Salamat.” Inabot niya ang mga bulaklak kahit alam niyang pagpapanggap lamang ang lahat.
     Kaya ko ring magpanggap tulad mo, sabi niya sa isip habang ngumingiti nang pagkatamis-tamis….

Pretend You’re In Love
Connie C. Causing

     Nagulat si Lorraine nang sabihin sa kanya ni Jacob na magsama sila sa iisang bubong. “I promise, no touching. Unless…” dagdag nito, “unless you make the first move.”
     Napanganga siya. “You have an incredible ego! Do you think I would jump into bed with you?”
     Tumawa ito. “Okay, so you won’t. Your answer, please?”
     Napaisip siya. This was her chance to give him a dose of his own medicine! “Okay, if that’s what you want, fine with me!”
     “Good. Tomorrow ay magsasama na tayo.”
     Tomorrow! Ganoon na ba kabilis ang kanyang death sentence? And good grief, hindi rin siya makapaniwala na nagpatangay siya sa kalokohan ng lalaking kanyang kaaway.

Huwag Nang Maarte
Bernadette Alexandra

     “You must be crazy or stupid or both. How can a man like you fall in love with someone like me?” sabi ni Joan.
     “I don’t know. Nangyari lang,” sagot ni Edward.
     Hindi pa rin siya natinag. Alam niya ang tulad nitong guwapo at mayaman.
     Pero hindi lahat ng babae ay kaya mong paikutin sa palad mo, Mr. Andrade, isip niya.
     “Hindi ako agad-agad susuko, Joan,” sabi nito.
     “Tingnan na lang natin,” mataray na balik niya. Pero sa kaloob-looban niya ay hindi na niya mapigilan ang tuwa sa kanyang puso. Ngayon lang niya na-realize na sobra nga pala siyang magpakipot. Gusto niyang titigan ang kausap, pero hindi niya magawa iyon dahil tiyak na ipagkakanulo siya ng kanyang mga mata….

Bride For Rent
Julienne Lacsamana

     Pumayag si Georgia sa proposal ni Third: ipapakilala siya ng binata bilang future Mrs. Alberto Lagdameo III para ipamukha sa mga magulang na hindi puwedeng basta-basta diktahan ang buhay nito. Ikakasal sila sa papel, magsasama ng limang taon pagkatapos ay maghihiwalay.
     Ang kapalit? Limang milyong piso sa kada taon ng kanilang pagsasama. At dalawampu’t limang milyong piso sa araw ng kanilang paghihiwalay. Sino ang tatanggi?
     Akala ni Georgia ay madali lang lahat, pero na-realize niyang nagkamali siya nang halikan siya nito at nabatid niyang mapapahamak ang kanyang puso. Wala sa usapan ang pagmamahalan. Pero hindi na nagdalawang-isip si Georgia na mahalin si Third kahit alam niyang sa huli ay masasaktan siya nang lubusan….

Until Love Comes Again
Carla Giopaolo

     Akala ni Ashley ay nanaginip siya. She was lying on a soft bed. The room was in semi-darkness and somebody was nuzzling her neck.
     “Who are you?” bulong ni Jason.
     Ang boses na iyon ang nag-remind sa kanya ng ilang alaala. Nasa party siya at umiinom ng vodka. Pumayag siyang sumama sa lalaking ito. She was so depressed and he was so nice to her kaya hindi siya nakaramdam ng takot.
     “Jason….” Ibinuka niya ang bibig para magsalita, pero lumapat sa bukas niyang mga labi ang labi ng binata at tuluyan niyang nalimutan ang sasabihin.
     When it was over, naramdaman ni Ashley ang lapat ng labi ng binata sa kanya. And the tenderness of that act brought tears to her eyes. Pero hindi nagtagal iyon dahil ilang sandali lang ay na-realize niya kung ano ang nagawa niya.
     She had just made love with a complete stranger!

Must We Say Goodbye?
Samantha Rodriguez

     “Are you with someone right now?” tanong ni Ken. “Hindi ka pa ba nagkakaroon ng boyfriend?”
     “Hindi pa,” sagot ni Eula. “It has never been really my priority.”
     “Naku, siguro mahihirapan ang mga manliligaw mo sa ’yo,” ang biglang nasabi nito.
     Napatingin siya rito. “At bakit mo naman nasabi’yan?”
     “Kasi mukhang napakataas ng standards mo, parang ang hirap mong abutin. It seems like it would take a really strong, smart and interesting guy to win your heart,” patuloy pa nito.
     Hindi makapagsalita si Eula. Kung alam sana ni Ken ang tunay niyang nararamdaman. Wala lang talagang makapantay sa ’yo… isip niya. Wala naman akong ibang minamahal at mamahalin pa kundi ikaw lamang….

Panaginip Lang Kaya?
Marianne

     “I like you very much, Janie. You’re very lovely, ibang-iba sa mga babaeng nauugnay sa akin,” deklara ni Joshua.
     Hindi makaimik si Janie. Tama ba ang narinig niya? May gusto ang bagong presidente at nag-iisang tagapagmana ng Mondragon, Inc. sa kanya!
     I must be dreaming!
     “Kung may nobyo ka man ngayon o wala, I don’t give a damn! You are mine,” aroganteng deklara nito.
     Namalayan na lang niyang nasa labi na niya ang mga labi nito. Dampi lang iyon kaya hindi napansin ng mga tao bukod pa sa madilim ang paligid, ganoon pa man, libu-libong boltahe ang dumaloy sa katawan niya.
     May nabuo siyang desisyon sa gabing iyon. Wala siyang pakialam kung di siya mahal nito. Ang mahalaga ay makasama niya ang tanging lalaking nagpatibok sa nanahimik niyang puso….

The Love Letter
Victoria Chua

     Nang mag-decide na magbakasyon sa Vigan ang workaholic na si Harry Santillan, he found a lot more than a break from the hustle and bustle of city life. Isang araw na nagpunta siya sa beach, he came across a corked bottle with a rolled-up message inside. It read: I missed our walks in Plaza Burgos, our endless talks while strolling along the white sand beach of Pug-os, hearing mass on Sundays at St. Paul’s Cathedral. But most of all, I just missed you… Kay
     Kaagad ay naantig damdamin niya sa love letter na nabasa. Alam niyang hindi siya matatahimik hangga’t hindi natatagpuan ang sumulat niyon.
     In search of the writer ay nakilala niya si Kat, ang babaeng di niya inakalang mamahalin nang lubos. Pero natuklasan niya na si Kat at ang babaeng sumulat ng love letter ay iisa. Nasaktan siya sa nabatid na iyon. Kaya pa kaya niyang agawin ang pagmamahal ni Kat? At paano niya gagawin iyon?

Then You Came Along
Pearl Pascua

     “I’m really sorry about tonight,” paumanhin ni Alex dahil natapos nang maaga ang date nila. “Well, just so you know, hindi naman palaging nangyayari iyon sa mga dates ko. I’ll do better next time.”
     Next time…? Hindi makahinga si Alicia.
     “Is tomorrow soon enough? It’s my day-off and I’m not on call,” sabi nito.
     Gusto niyang magtatalon sa tuwa; di na niya nagawang magpakipot. “Tomorrow is fine,” aniya.
     Tutuloy na sana siya sa nakabukas na gate, ngunit pinigilan siya ng kamay ni Alex na marahang dumapo sa kanyang braso.
     “Oh, and one more thing.”
     “Ano ’yon?” takang tanong niya.
     “This….”
     At bago pa niya mahulaan kung ano ang iniisip nito, inangkin ni Alex ang kanyang labi. Sa wakas, nangyari na rin ang halik na pinananabikan niya….

Love Me Tomorrow
Raya Manlapaz

     Nilapitan ni Lee ang natutulog na dalaga sa kanyang kama. She looked like an angel sleeping.
     Nailing siya sa sariling naiisip. Diyata’t nahuhulog ang loob niya sa lasenggang babae. Kailangan na niyang umalis. Tumalikod na siya at akmang bubuksan ang pinto nang magsalita ito.
     “Bakit mo ako iniwan?” ungol nito.
     Nilapitan niya ito at hinawi ang buhok sa mukha nito.
     She’s more beautiful than I thought. “Why are you doing this?” bulong niya.
     Umungol lang ang babae. Nanaginip lang pala ito. Matagal niya munang tinitigan ang babaeng mahimbing na ngayong natutulog. While watching her sleep like a baby, may nabuhay na damdamin sa puso ni Lee.
     I will heal her sorrow, pangako niya sa sarili.

Love Of Mine
Mari Calingayan

     “You may think you are Superman—pero mali po. Like any other person, nangangailangan ka rin ng pag-iingat. I don’t care kung anuman ang mahalagang bagay na gusto mong uwian. You can’t take the trip,” ani Venice.
     “Then what do you suggest?” hamon ni Jake. “I have to be in a very special ceremony on Sunday—which is three days from now.”
     “I’ll go in your place,” walang pakundangang sabi niya.
     Humugot ito ng malalim na hininga, kinontrol ang pagtawa, pagkuwa’y tiningnan siya. “It’s my wedding ceremony, Venice.”
     Parang binuhusan ng malamig na tubig si Venice sa sinabi nito. Ikakasal si Jake? Sa Linggo? Three days from now? At ni wala itong sinabi sa kanya?

Sweet Spoiled Brat
Catherine Dy

     “You have the face of an angel and the body of a temptress, who wouldn’t want you? But you see, as I told you before, I don’t teach young girls how to love,” sabi ni Rafael.
     Parang sinampal si Amanda sa mga binitawan nitong salita. She had loved him then as only the young could love and because he was her first love, the pain and the hurt was all the more unbearable.
     But why would Rafael choose her? He had the pick of the loveliest women in the country. He was considered one of the country’s most eligible bachelors.
     Pinilit niyang alisin sa isip ang lahat ng ito. Why does it matter? Ang mahalaga ay ang ngayon. Hindi siya susuko, gagawin niya ang lahat mahalin lang siya ng binata….