Posted on

Release For June 2009

Here are our titles for My Special Valentine!
Release for June 2009
Want to read the story teasers?

Previews

Bad Love
Ella Gualvez

     Mula nang dumating sa buhay ni Janet si Mikhail, nagbago ang tingin niya sa mundo. Nalimutan niya ang sakit na dulot ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Basta kasama niya ito, kakayanin niya ang lahat. They were inseparable and she thought it would be like that forever.
     Then a sweet, fragile-looking girl came their way. Kaibigan ang turing niya kay Hanna noong una. Hanggang sa makita niyang angkin nito ang mga labi ng lalaking mahal niya. She knew then that he would break his promise that he’d always be there for her.
     She felt dark and ugly emotions coiling like poisonous snakes around her heart. She suddenly turned cruel and did what she had to do—inalis niya sa landas nila si Hanna.
     Masaktan na ang lahat ng masasaktan, she vowed to make Mikhail hers alone….

Secrets And Midnights
Olivia Ray

     Nakatiim-bagang si Jack, rage was clear in his eyes. Panic rose in Erika’s chest, pero hindi na niya maaaring itama ang mga hinala nito. Mas okay na paniwalaan nitong prostitute siya at nagbenta ng aliw sa trabahador nito kaya siya naroon sa teritoryo nito at naliligo sa batis nang hatinggabi. Hindi maaaring malaman ng binata na siya mismo ay isang empleyado nito at ilang linggo na niya itong niloloko sa pamamagitan ng pagpapanggap na lalaki.
     “You’re just bluffing. At patutunayan kong tama ako,” galit na sabi nito. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong kumawala nang halbutin nito ang batok niya. Kahit walang ideya sa nais nitong gawin, pilit niyang itinulak ang lalaki. Ngunit wala iyong silbi. His bare, muscled chest was like a warm concrete wall.
     And to her dismay, a part of her wanted this weakening sensation….

Silk And Scandals
Terri Dizon

     She was Maureen Custodio, well-known party princess and trendsetter. Pero nang kumalat ang nude photos niya kung saan-saan, para siyang inabandonang basang sisiw. Sa galit ng kanyang mga magulang, pinutol ng mga ito ang credit cards niya, binawian ng kotse at halos i-disown siya. Her life was in total mess.
     Kung mayroon mang magandang idinulot ang iskandalo, iyon ay ang muling pagkrus ng landas nila ni Brett Rovira, an old flame from college who had changed into a dashing hottie from the geek that he was then. Mukhang limot na nito ang ginawa niyang pag-dump dito noon nang basta-basta. Bukod doon, wala itong pakialam kahit pangit ang reputasyon niya. Inevitably, she fell head over heels in love with him.
     Nagsisimula na siyang mag-move on sa buhay niya until she heard him saying that all he wanted from her was sex… and revenge for what she did to him during college.

A Kiss To Remember
Isabel Margarita

     Warren was Celine’s life-long secret love.
     Unang beses niya pa lang nakita ang binata ay naramdaman niya na ang hindi pamilyar na pagtibok ng kanyang puso. Sinubukan niyang pigilan iyon dahil sa tingin niya, hindi ang tulad niya ang papansinin nito. She was Plain Jane while Warren had practically everything—the looks, the brains, and the charm. Lalo pa siyang nawalan ng pag-asa nang malamang may nobya na ito. Kaya naman nakontento na lamang siya na maging kaibigan nito. But it didn’t stop her from loving him… secretly.
     Then fate dragged an opportunity at her doorstep. It was her one and only chance to be loved by Warren.
     But only for a night.

Thirty Sweet Days
Aira Felicity

     Isang kabaliwan ang ginawa ni Andrea: tinanggap niya ang hamon ni Henry, ang kanyang arch-enemy, na truce. Kapag napigilan niyang kumulo ang dugo sa guwapong monster sa loob ng tatlumpong araw, tutuparin nito ang isa sa mga pangarap niya—ang makarating sa France. Pero kung hindi, kailangan niyang gawin ang lahat ng iuutos nito, mala-alila. Na para bang siya lang talaga ang may kasalanan kaya sila parang aso’t pusa.
     Ngunit binigla siya ng mga sumunod na pangyayari. She discovered a warm, tender and a caring man in Henry.
     Mukhang kahit ano ang gawin niya, matatalo pa rin si Andrea sa deal. Hindi kasi nila napag-usapan kung ano ang consequence sakaling ma-in love siya rito….

Just A Kiss
Arlene Faye

     Valentine’s Day. Iyon din ang kaarawan ni Love. Ngunit hindi maganda ang gising niya nang araw na iyon. Una, dahil siguradong dudumugin sila ng customers sa hotel na pinapasukan at tiyak na mapapagod siya. Pangalawa, wala siyang nobyo para i-celebrate ang okasyon na iyon.
     Para mag-unwind, naisipan niyang magtungo sa Baywalk. Ganoon na lang ang inis niya dahil sangkatutak na lovers ang naabutan niyang naroon at muli niyong pinaalala ang kanyang non-existent love life. Aalis na sana siya para takasan ang nakakaasar na nakakainggit na eksena ng mga parehang sabay-sabay na naghahalikan, nang dalawang malakas na kamay ang biglang dumakma sa kanya at bago siya nakahuma, angkin na ng estranghero ang mga labi niya!

Love 101
Yumi Sagara

     Bad trip si Mandy nang mga nakakaraang araw. Napapansin kasi niya, mula nang makipisan sa bahay nila ang pinsan niyang si Carla, ito na ang bukambibig ng best friend niyang si Stephen. Parang gusto na niyang magselos. Kung bakit, iyon ang gumugulo sa isip niya. Mga bata pa lang ay magkaibigan na sila ng lalaki, pero ni minsan ay hindi niya nilagyan ng ibang kulay ang friendship nila.
     Everything seemed clearer nang hagkan siya ng kinaiinisan niyang si Zacharias Mendrano. It outraged her. Bakit siya nito hinalikan? At bakit siya pumayag?
     The answers surprised her. She learned that love was not as simple as she thought it was….

My So-Called Boyfriend
Monica Bautista

     Masyadong nahamon ang pride ni Elaine. Tila sigurado ang tiyahin na imposibleng may madala siyang nobyo sa kanilang family reunion. Kaya bago pa napag-isipan, nangako siyang isasama ang nobyo paluwas. Ang problema niya ngayon, saan siya kukuha ng lalaking papayag na mag-pose na boyfriend niya kuno?
     Her friends suggested she ask ‘Prince Charming’—ang estrangherong napadpad sa bahay niya na hindi man lang niya alam ang tunay na pangalan. He was perfect for the role.
     Too perfect, actually. Dahil matapos ang araw na iyon at maaksidente sila, kailangan niyang i-extend ang drama. At kung pipilitin si Elaine, baka aminin din niyang hindi lamang iyon dahil sa pagkawala ng alaala ng binata.
     She was actually enjoying being this hot stranger’s ‘girlfriend’.

A Wedding Proposal
Ianne Lei Lauren

     Kung hindi dahil sa makulit at mayabang na manliligaw, hindi mapapayag si Cindy na maging kunwariang girlfriend ng ubod ng yabang na si TJ Tantiangco. Alam niyang pulos sa pagtatalo lang matatapos ang bawat araw na magkakasama sila.
     Kaya naman hindi siya makapaniwala nang mag-propose ito ng kasal. Naloloko na yata ito. Bakit sila magpapakasal? Wala iyon sa usapan
nila. Siguro, pinagtitripan na naman siya nito at may kung anong masamang binabalak laban sa kanya. Natural, tinanggihan niya iyon.
     But when she saw the agony in his eyes, bigla siyang nalito. Mali nga yatang hinusgahan niya ito, at ngayon kailangan niyang bumawi.
     Patawarin kaya siya ni TJ kung siya naman ang mag-propose ng kasal dito?

Love Letters And Forever
Dream Giban

     Akala ni Hitomi, magiging mas exciting at makulay ang buhay para sa kanya nang ipagtapat ni Eugene na mahal din siya nito. Nang mapabilis ng isang insidente ang pagpapakasal nila, wala na siyang mahihiling pa. Married at nineteen to the man she had loved forever, her life was perfect… or so she thought.
     Her perspective changed only after a couple of weeks. With a broken heart and shattered dreams, kinailangan niyang iwan si Eugene at ang lahat ng alaala nito. Noon niya na-realize na marami pa siyang dapat matutunan sa buhay.
     Now that she’s four years older, she knew better than to believe in happy endings. Kaya bumalik siya sa Pilipinas para mag-file ng annulment.
     Pero mukhang mahihirapan siyang makuha ang kalayaan mula kay Eugene….

Love Scar
Jessica Gayle

     “Dylan, I’m going home,” pigil ang nananakit sa lalamunan na sabi ni Kiara. “Wala nang point ang pag-stay ko dito. My house is safe so uuwi na ’ko. Salamat nga pala.”
      Maagap na napigilan siya ni Dylan sa braso bago siya makalayo. “Gan’un na lang ba ’yon sa ’yo? Paano ang nangyari? What about us?” Nagsusumamo ang tinig nito, pero sinaway niya ang sarili na magpadala roon.
      Hindi kababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. “Us? Tell me, Dylan, may ‘tayo’ ba? Hindi mo naman kasi nilinaw sa ’kin kung ano’ng meron tayo.”
      Matagal bago ito nakasagot. “Kiara, mahalaga ka sa ’kin. Kailangan kita…” hirap na tugon nito.
      Malungkot na ngumiti si Kiara. Right, kailangan siya nito. Kung hanggang kailan, iyon ang hindi niya sigurado….

Dapat Ka Bang Mahalin?
Maristella Feliz

     Sa edad na twenty-three, dependent pa rin si Monique sa kaibigang si Brian. Noong panahong nagre-rebelde siya sa mundo, ito ang naging tanging kakampi niya. Ito lang ang nakakasakay sa mood niya, ang rumerespeto sa ideas niya gaano man iyon irrational. At lalo niyang nabatid ang importansya nito sa buhay niya nang maaksidente siya at halos naimbalido. He was with her throughout her physical and emotional healing. Kaya hindi na rin siya nagulat nang magising siya isang araw na in love na kay Brian.
     But loving and being loved were two different things. At ipokrita si Monique kung sasabihin niyang hindi niya hinangad na higit pa sa younger sister ang pagtingin ni Brian sa kanya at hindi awa ang nasasalamin niya sa mga mata nito ngayon….