Posted on

Release For April-May 2009

Here are our titles for My Special Valentine!
Release for April-May 2009
Want to read the story teasers?

Previews

I’m Yours, Be Mine
Doreen Laroya

     Buo na ang plano ni Helen. Aakitin niya si Troy at pagkatapos ay palalabasin niyang tinangka siya nitong halayin. Gaano man kalaki ang tiwala rito ng kanyang ama, tiyak niyang siya ang kakampihan nito at magagalit ito sa binata. At iyon na ang pagkakataon niya upang mapaalis ito sa kanilang buhay. It was a beautifully laid plan at tiwala siyang magtatagumpay siya.
     Pero mabilis na bumalik sa kanya ang karma. Her plans boomeranged to her and next thing she knew, kasal na siya kay Troy at kailangan itong suyuin ni Helen para tanggapin siya muli matapos niya itong hiwalayan sa loob ng limang taon.
     Nakakahiya mang aminin, she had ended up loving him….

Heaven Sent
Aira Felicity

     Mula noong teenager pa lamang si Mina, parang kakambal na ng Kuya Jake niya si Van, ang best friend nito. Kapareho ito ng kapatid niya sa halos lahat ng bagay, maging sa mga katangian kaya parang ‘Kuya The Second’ ito sa kanya.
     Nang umalis si Van at magtungo sa ibang bansa, na-realize niyang kaya pala wala siyang tinatanggap na manliligaw ay dahil mga katangian nito ang hinahanap niya.
     Then came Jake’s accident that rendered her brother unconscious. Nagbalik-Pilipinas si Van and like an angel sent from heaven, he helped her cope.
     It seemed like he would give everything to her—everything except commitment… and his heart.

Crescent Heart
Elise Estrella

     May pangamba sa puso ni Cassandra nang muling tumapak sa Pilipinas. She was dreading the moment she would meet Noah Callanta again. Alam niyang malaki ang galit nito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila eleven years ago.
     “I don’t want you back in my life, Cassandra. I still hate you.” Expected na niya ang sagot na iyon ng ex-boyfriend, but still, it cut through her like a knife.
     Gayunpaman, hindi na siya ang dating Cassandra na madaling sumuko. She had promised to herself she would do anything to have Noah back in her life… kesehodang siya na ang manligaw at padalhan niya ito ng bulaklak araw-araw sa opisina nito!

Almost Love
Ella Gualvez

     “Why are you so angry?” There was innocence in Alvaro’s voice.
     Iniwas ni Enna ang tingin dito at gigil na sumagot, “Tinatanong mo kung bakit? One, you’re trying to control my life. Two, you treat me like I’m your property. Three, you harass me. Four, you drive me insane with your pestering. Five—”
     “Nakita mo ba ang announcement sa magazine tungkol sa engagement ko sa ibang babae?” Napatigil si Enna sa out-of-the-blue question ng binata. “Are you jealous?”
     Humagilap siya ng unan at malakas na ibinato ito sa lalaki. Tumatawang sinalo lang iyon ni Alvaro. “You are jealous.”
     He was right. Kahit gaano pa kahaba ang listahan niya ng mga bagay na ayaw niya ukol sa binatang ito, ito pa rin ang tanging nagmamay-ari ng puso niya….

A Timeless Love
Isabel Margarita

     “Just tell me, Chelle. Talaga bang nabura na ako sa puso mo?”
     Was it just her imagination, o talagang may bahid ng sakit ang expression sa mga mata ng lalaking kaharap niya?
     “It’s been eleven years, Ryan. You can’t expect me to be lingering on the past… especially if it’s an ugly one,” sagot ni Cecile na ni hindi kumurap, her eyes flashing a mixture of pain and hatred.
     He was suddenly angry. “Really? Mabuti ka pa nakalimutan mo na.”
     It did not make any sense but she suddenly wanted to hug him. Isa lang ang sigurado ni Cecile: seeing him again was really not a good idea….

Perfect Marriage
Mitch Ocampo

     Hindi normal ang pagsasama nina Alexa at Robert. Ang totoo niyan, sa tingin ni Alexa, nagtiyaga lang ang lalaki na makasama siya sa iisang bubong sa loob ng halos pitong taon dahil sa anak nila. Iyon din parati ang iniisip niya—ang ikabubuti ng bata.
     Gayunpaman, aminado siyang mas gugustuhin niya kung maaayos ang pamilya nila. Kailangan mapag-uusapan lang nila ni Robert ang mga issues nila, pakakasalan siya nito at pagkatapos magtatabi na sila sa kama. In that order sana.
     Pero hindi ganoon ang nangyari. Sa halip, naunang nagtabi sila sa kama bago pa man sila magkaliwanagan. Mag-aalok pa ba ito sa kanya ng kasal pagkatapos siya nitong makuha uli?
     Lalong lumabo ang pangarap ni Alexa na maging buo silang pamilya nang bumalik sa buhay nila ang first love ni Robert….

Crazy Love
Camille Uy

     Kilalang suplada sa guys si Ria. Bukod sa masyado siyang maraming pinagkakaabalahan para mamroblema pa ng tungkol sa lovelife, she did not want to be like her mother, who died of a broken heart. Kaya naman, mailap pa siya sa usa pagdating sa mga lalaking nagpapalipad-hangin sa kanya.
     Pero hindi yata tumatalab ang katarayan niya kay Adrian de Chavez. Sa halip, palagi siyang naa-outwit ng mayabang na lalaki at kahit ayaw niya, naisasama siya nito sa kung saan-saan.
     And she was starting to smell trouble—unti-unti na kasing nabubuwag ang pader na itinayo niya sa paligid ng sarili at parang nagugustuhan na niya ang happy-go-lucky na binata.
     Ang mas nakakaalarma, hindi naman nanliligaw sa kanya si Adry. Mas tamang sabihing inilalakad lamang nito sa kanya ang matalik nitong kaibigan….

Mahirap Bang Sabihing Mahal Mo Ako?
Hannah Wabe

     In a sheer moment of insanity, Amaryllis found herself entangled in bed with Kenneth Stravecillas, Jr., ang best man sa kasal ng kanyang ate. She woke up and saw his bare chest at doon siya natauhan. Ano nga ba ang nagawa niya? Ang plano lamang niya rito sa Singapore bukod sa pag-attend ng kasal ay kalimutan ang kanyang two-timing ex-boyfriend. Pero heto at nagdala pa siya ng isa pang komplikasyon sa sariling buhay.
     Mabilis siyang bumangon at iniwan ito. Lumipad siya pabalik ng Maynila, thinking the weekend was only a beautiful dream.
     Ang problema, ang magandang panaginip ay naging bangungot. Dahil nang pumasok siya sa opisina nang Lunes na iyon, nadiskubre niyang si Ken ang kanyang bagong boss.
     And he looked really pissed at her….

Love’s Destiny
Dorothy Kim

     Allen Quintana.
     Marinig pa lang ni Romina ang pangalan na iyon ay nanggagalaiti na siya sa inis. Ang lalaki lang naman ang dahilan kaya nalugi at tuluyan nang nagsara ang kanyang restaurant.
     Kung hindi siya nito hinalikan sa harap mismo ng lunatic girlfriend nito, hindi sana siniraan ng huli ang kredibilidad niya at ng kanyang negosyo. Para malimutan ang kabiguan, minabuti ni Romina na magtungo sa probinsya at makipisan sa kanyang tiyahin. Suwerte namang nangailangan ng manager ang flower farm malapit sa bahay roon.
     Pero suwerte nga ba? Eh, bakit nang makilala niya ang kanyang bagong employer ay nalaman niyang wala iyong iba kundi si Allen Quintana?

Kisses And Lies
Nathalie Julian

     Napabuntong-hininga si Lloyd. “I hope you spare this place, Veronica. Pumunta ka sa pinyahan, sa manggahan or anywhere. Huwag muna sana dito.”
     Her brows met. Siya ang anak ng may-ari ng hacienda na iyon. Kailan pa naging tama na pagbawalan siya ng isang trabahador nila? Ngunit nagulat siya nang dalawang kamay na hablutin nito ang mga balikat niya. “Lloyd!”
     “Lumayo ka sa akin kung pakikipagkaibigan lang ang pakay mo. Huwag kang tumalon sa apoy kung hindi mo gustong matupok.” His words held warning but there was something else in his eyes—something like desire.
     Hindi kaya natutukso ito sa kanya kaya siya pinalalayo? Pero wala sa plano niya ang sundin ito. Sa katunayan, ang nais ni Nica ay tuklasin kung hanggang saan sila dadalhin ng matindi nilang atraksyon para sa isa’t-isa….

Stolen Heart
Katrina Ramos

     “Don’t you believe in love at first sight?”
     Natawa si Anya sa narinig mula sa estrangherong nakilala niya nang gabing iyon. “Don’t tell me, naniniwala ka sa ganoon?”
     “Noon hindi, but seeing you proved me wrong.”
     Napawi ang ngiti niya. Mukhang pinagtitripan siya ng lalaking ito, ah. “Tigilan na natin ang usapan na ito, nagkakalokohan na tayo, eh.”
     Ngunit pinigil nito ang tangkang pag-alis niya at sinalubong siya ng mapusok na halik. Sa inis niya, isang malakas na sampal ang itinugon niya rito.
     Labis siyang nagsisisi nang makita ang galit sa mga mata nito pagkatapos…lalo na nang malaman kung sino talaga ito—he turned out to be her boss’ son….

Promise Me Love
Terri Dizon

     Dahil na rin siguro broken-hearted, mainitin ang ulo ni Vivien these past few days. At ang palagi niyang napuputukan ng galit ay ang bagong kaopisina na si Topher Pineda. Napunta kasi rito ang inaasam-asam niyang posisyon sa trabaho. Pero dahil sa sunud-sunod na insidenteng nangyari, her first assumption about him turned out to be wrong. Mabait naman pala ito and soon, nauwi sa pagiging magnobyo ang tila aso’t pusang kondisyon nila dati.
     Ngunit tila mauunsyami pa yata ang happy ending na nakalaan para sa kanila. Isang importanteng bahagi kasi ng nakaraan ni Topher ang nakaambang sumira sa magandang pagtitinginan nila….