Posted on

Release For January-February 2009

Here are our January-February titles for My Special Valentine!
Release for January-February 2009
Want to read the story teasers?

Previews

Wedding Fever (Book 1 of 4): Something Old
Hannah Wabe

     Going against the tradition, napagpasyahan ni Arianne na sukatin ang kanyang bridal gown. Hindi siya naniniwalang bad luck iyon. After all, she was living in a modern day and age. Besides, above all else, naniniwala siya that things happen because of God.
     Ngunit pagkatapos niyang sukatin ang gown, sunud-sunod na kamalasan ang nangyari. And just when she thought things could not possibly get any worse, biglang ginulo ni Belinda Legaspi ang kanyang buhay. Ito lang naman ang former fiancée ng kanyang husband-to-be, whom she knew nothing about. It looked like Belinda was on a mission to rip them apart and get back her boyfriend Nicholas. Paano kung iwan nga siya ng nobyo?
     Dapat yata, hindi na niya sinukat ang gown….

Wedding Fever (Book 2 of 4): Something New
Hannah Wabe

     Fiona did not care if her love life was zero. She was fulfilled with her career, and thus did not mind coming home to a lonely bed. After all, ang tao pa rin ang gumagawa ng sarili nilang kaligayahan. She certainly didn’t need any man to make her life happy.
     Or so she thought, until she met Rainier Dela Mesa on the eve of her sister’s wedding. He was a chef, who literally had her eating out of the palms of his hands. The first moment they met, they could not get their hands off each other. Pero para kay Fiona, momentary insanity lang ang lahat ng iyon. Rainier was only in the Philippines for a vacation. He didn’t intend to stay permanently.
     But unfortunately, their little fling left her with something more permanent. A baby. Sigurado si Fiona, na hindi niya ite-terminate ang kanyang pregnancy. She just wasn’t sure about what to do with its father….

Wedding Fever (Book 3 of 4): Something Borrowed
Hannah Wabe

     Juliet fell in love with Liam at first… hear. Una niyang narinig ang mga notang ipinatugtog nito sa piano. The sweet melodious sound of his voice just went straight to her heart. At nang makita pa niya ang mukha ng musikero, mas lalo pa siyang na-in love.
     And it looked as if the feeling was mutual. Magaling rin kasi siyang tumugtog ng violin. It seemed na sadya silang pinagtagpo ng tadhana, so they could make beautiful music together.
     Ang problema, ang inakala niyang pobreng musikero ay isa palang milyonaryo. At ito ay nag-ala-Runaway Bride, este groom. He was arrangedto be married to some rich man’s daughter. How could she compete with that? Could they still possibly end up together o mauwi silang luhaan tulad ng star-crossed lovers na sina Romeo at Juliet?

Wedding Fever (Book 4 of 4): Something Blue
Hannah Wabe

     Cassidy Hernandez was feeling blue. Ang dalawa niyang best friends ay hitched na. One was savoring newly wedded bliss. At ang isa naman ay nakatakda nang pakasal. She was feeling totally left out. Ang kanyang long-time boyfriend na si Albert Guerra ay wala pang planong magpakasal.
     Enter sa eksena si Blue Villanueva. Sa pangalan pa lang nito, akala talaga ng gay-dar niya ay of the third kind ang binata. So niyaya niya itong lumabas at manood ng sine. Parang girls’ day out, kumbaga.
     Ganoon na lang ang gulat niya, when he kissed her out of the blue. Doon niya lang nalaman na dugong Adan pala ito at hindi machong bading. At mas lalo pa siyang nagulat dahil imbis na lumayo, natagpuan niya ang sariling tinutugon ang mga halik nito….

The Boyfriend Hunt
Arlene Faye

     Ipinangako ni Izzy sa sarili na ang lovelife naman ang aasikasuhin. Napag-isip-isip niya, tumatanda siya na hindi kompleto ang buhay niya. Siguro dahil sa sobrang drive niyang maging successful sa career, doon na niya ibinuhos ang buong panahon at nalampasan niya qng isang importanteng phase sa buhay niya—iyon ay ang makipagrelasyon sa opposite sex. At panahon na, habang wala pa siyang treinta, para maghanap ng makakasama sa buhay.
     So she forced her closest friend Alex para siyang maghanap ng magiging date niya. Iyon ang bayad nito para sa pagpayag niyang pansamantalang pananatili nito sa bahay niya.
     Only to find out that she was too busy looking for love elsewhere, when all the while, it was right under her nose and literally, under her roof!

This Time It’s Forever
Maristella Feliz

     Magkakahalong emosyon ang lumukob kay Abigail sa muling pagtapak sa mansyon ng mga Enriquez. Kung hindi lang sa pamimilit ng pinsan, hindi siya papayag na maging physical therapist ni Mrs. Menchu Enriquez. Hindi dahil sa kung anupaman kundi dahil hindi na niya gustong makita pa ang anak nitong si Micko—her ex-boyfriend.
     Sariwa pa ang sugat sa puso niya dulot ng biglaan nitong pakikipagkalas at pang-iiwan sa kanya five years ago. Lalo na ang sakit nang paratangan siya nitong manggagamit at oportunista.
     Tila hindi pa sapat ang lahat ng kamiserablehan niya, heto at sa muling paghaharap nila, katabi pa ni Micko ang babaeng ipinalit sa kanya….

Nagkataon, Nagkatagpo
Lindy Lorenze

     “I want my first boyfriend to be my last,” ani Bea kay Dennis.
     “Paano mo malalaman na siya nga ang right guy for you kung hindi mo susubukang makipagrelasyon sa iba?”
     “There will always be signs.”
     Napangiti ito at napailing. “You’re a hopeless romantic. Too old-fashioned.”
     Tama ito; makaluma siya pagdating sa pag-ibig. Pero hindi naman maialis sa kanya ang paghanga sa iba, gaya ng matinding paghangang nararamdaman niya para sa lalaking ito.
     And if Bea would be more honest to herself, she would admit she was feeling more than a simple admiration for him… siyang dahilan kaya hindi niya maaaring hayaang maakit ni Dennis. He was an expert when it came to playing with women’s hearts….

Kapalit Ay Pag-ibig Mo
Tarra Buluran

     Buo na ang desisyon ni Vince. Matagal na panahon ang ginugol niya sa pagpaplano kung paano gagantihan ang taong dahilan kung bakit nawala ang kanyang pamilya. Ngayon alam niyang malapit na ang katuparan niyon.
     Nakakasiguro siyang madali niyang mapapakagat sa pain niya ang anak nitong si Charmaine. Madali itong magtiwala kahit kanino. Para sa babae, walang pangit at masama sa mundo, lahat ay pawang maganda at pantay-pantay.
     Ngunit sa halip na ikatuwa niya, bakit ganito ang nararamdaman niya? Parang mismong utak niya ang kumokontra sa plano niyang saktan ito. Mas gusto pa niyang pagdudahan siya nito at komprontahin para maligtas ito sa peligrong kakaharapin—peligro na si Vince mismo ang magdadala kay Charm….

Il Mio Amore
Aira Felicity

     Gumalaw ang sulok ng labi ni Yvo na para bang naaliw sa anumang nasabi ni Audrey. “Gagamitin mo ako?”
     Napabuntong-hiningang ginagap niya ang palad nito. “P-please? Magbabago ang perception ng publiko sa akin kung malalaman nilang may boyfriend ako at ikaw ‘yun. Iisipin nila, hindi ko kailangang mang-agaw ng nobyo ng iba.” Magsasalita sana ito, pero inunahan niya. “Gagawin ko ang kahit ano, kapalit ng pabor na hinihingi ko, Yvo. Kahit maging image model ako ng clothing company ninyo all my life—nang walang bayad, okay lang. Please…” She sounded desperate. And she was.
     “What if I ask you to strip in front of me, would you?”
     Hindi makapaniwalang napamaang si Audrey sa lalaki. Nagkamali yata siya ng taong nilapitan.

Kung Natuturuan Ang Puso
Terri Dizon

     Kung natuturuan ang puso, matagal nang kinalimutan ni Jessica si Edward at ibinaling ang pagtingin sa iba. What happened between them was like a one-time insanity, which left an indelible mark in her life.
     Maraming beses na niyang sinubukang makalimot sa loob ng nakaraang anim na taon. Pero hindi iyon madali. Lalo pa at araw-araw niyang nakikita ang mukha nito sa batang naging resulta ng kapusukan nila.
     Ngunit mas pinahirap ng tadhana ang sitwasyon dahil muling nagkrus ang mga landas nila ni Edward. At bagaman naroon pa rin ang dating damdamin, they could not just rekindle old flames.
     Because Edward was engaged to someone else….

Fight For Love
Dream Giban

     “I don’t do commitments, Baby. Don’t fall in love with me,” seryosong ani Rigo. Bago pa siya nakaalma, nagpatuloy nito. “I want you. Heck, I’ve wanted you since that very night we first met. But—”
     “Iba ang gusto sa mahal,” dugtong ni Carina sa nahuhulaan niyang sasabihin nito.
     Marahang napatango ito. “Hindi ang mga lalaking nasa linya ng trabaho ko ang ideal na maging asawa’t ama. While you, ikaw ang tipo ng babaeng pangseryosohan at hindi basta laro lang.”
     Umarko ang mga kilay niya. “Hindi ko natatandaang inalok kita ng kasal, Rigo,” sarkastikong aniya.
     He had just broken her heart. But Carina would be a greater fool if she would let him break her ego as well….

Mahal Kong Impostor
Lady Lalaine

     “A-alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong ito, pero nagkakamali ka kung iniisip mong may masama akong hangad sa iyong pamilya. I swear, it’s very far from my mind,” sinserong pahayag ni Debbie.
     Kunot na kunot ang noo ni Steven. “How can you say that gayung pinilit mong makapasok dito under false pretenses?”
     “Ito lang kasi ang paraan para makalapit ako kay Kent. Y-you see, I’m a journalist and was sent here to write an article about him.”
     “Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka nakikipaglapit sa kapatid ko or you fancied my brother?”
     Naguguluhang napatitig si Debbie sa mukha ng lalaki. Bakit tila nakakahimig siya ng kakaiba sa pananalita nito? Kung hindi lang niya alam na nasusuklam ito sa pagbabalatkayo niya, iisipin niyang may bahid ng pagseselos ang galit nito sa kanya ngayon….

If you are interested to buy any of these books, please view this page for more information. Thank you!

0be3b654415eabeaff902a30a201ee0e4e2a4b657849b6d2456fccb421f3e99e

august movie films stone cold tagline movie tracey fragments the women movie shutter australia the movie mr hobbs takes a vacation movie posters chop shop movie synopsis zoolander personalize movie star wars the clone wars make a movie teacher the tinkerbell movie fugitive pieces movie trailers