Posted on

Release For November-December

Here is our November-December titles for My Special Valentine!
Release for November-December 2008
Want to read the story teasers?

Previews

A Convenient Wife
Carolyn Weber

     “Hindi ko inisip na aabot sa ganito,” malayong paliwanag ni Helena nang tanungin ni Brent kung bakit niya pinaniwala ang sariling abuelo na asawa niya ang binatang amo.
“I understand, Miss Bernardino. Pero kailangan mo ring intindihin na hindi ko makukunsinti ang ginawa mo.”
Heto na… sisibakin na ako, kinakabahang naisip niya.
“Gaano katagal na tayong kasal?” tanong ng binata.
“D-dalawang linggo,” sagot niya.
Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at hilahin siya paupo sa kandungan nito. “Then, we’re on our honeymoon, Sweetheart.” Nanlalaki ang mga matang napatingin siya rito. “Mamili ka,” anito, “hahalikan ba kita o tutunawin kita sa titig ko?”
Napakabilis ng pintig ng puso ni Helena. Hindi siya makapagsalita dahil sa kabiglaan….

Never Let Me Go
Connie C. Causing

     Bagaman walang kasiguruhan, desididong pinuntahan ni Ira ang amang hindi niya nakilala sa Maynila. Mukhang nagkamali nga siya sa agarang pagpapasya, dahil pagdating sa bahay ng address na hawak niya, nalaman niyang matagal nang iba ang may-ari niyon at walang Theodore Clemente na nakatira roon.
She was in so much distress—walang pupuntahan, walang trabaho at walang pera. But everything fell into place nang makilala niya si Derek. Pinatuloy siya nito sa bahay nito, ipinasok siya sa trabaho. At tila ito pa ang magiging daan para mahanap niya ang ama.
Ngunit ang kasiyahang iyon ay dagling napalitan ng pagdurusa. Kinamuhian siya ng lalaking natutunan na niyang mahalin nang madiskubre nito ang lihim ng kanyang nakaraan….

Hooked On Love
Ranisa Ynea

     “Monette…” Ang tinig ni Sebastian ang gumising sa tila nakatulog niyang diwa. Umurong siya at dinama ang mga labi. It was still wet from his kisses.
“Umuwi ka na,” putol niya sa sasabihin nito; hindi alam kung saan hinugot ang kalmadong tinig na iyon. “You just ruined the night. Hindi ko alam kung bakit mo ginawa iyon, Sebastian.”
Natigilan ito, saka napabuntong-hininga. “I’ve wanted to kiss you for the longest time, Monette, but I… I didn’t know if you’d let me…”
Ang mga mata niyang kanina pa iniiwas ay gulat na sinalubong ang tingin ng binata. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil natagpuan niya sa
mga mata nito ang mga gusto at hindi niya gustong makita—truth, desire, longing… but not love.

Bakit Hindi Tayong Dalawa?
Frances Lucero

     Kontrabida. Iyon ang tingin ni Rosanne kay Dominic. Mula noong sumulpot ito sa harap ng pinto nila noong sixteen ito at ten years old lang siya, tila nagulo na ang buhay niya.
Noong una, nakagaanan niya ito ng loob dahil mabait naman at magalang. Guwapo pa. Hindi niya akalain na sa ilalim ng magandang panlabas na anyo ng binata ay nagtatago ang isang manipulador. Dahil na rin sa suggestion nito, ipinadala si Rosanne ng ama sa Maynila at inilayo sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Walang karapatan si Dominic na gawin iyon. At lalong wala itong karapatang traydurin at saktan siya pagkatapos niyang ibigay ang puso rito….

Kung Akin Ka Lang
Aira Felicity

     “Please, Ian…” Ang pigil-pigil ni Fatima na luha ay tuluyang humulagpos nang haplusin ng binata ang mukha niya.
“Shh, don’t cry, Fatima. Don’t be upset. It was just a proposal, you can say no—”
“I wanted to say yes…” humihikbing turan niya. Natigilan ito at nabasa niya ang kalituhan sa mukha nito. “Pero mali, Ian.”
“Why?”
Sa halip na sumagot ay lalong nagsunud-sunod ang pagbalong ng luha niya. Kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. At that instant, she felt safe in his arms. She wanted to trust him and tell him the whole truth about herself…
Pero naroon ang takot ni Fatima. Hindi lang babawiin ni Ian ang proposal na iyon, malamang tuluyan siya nitong kamuhian kapag nagkataon….

Perfect Boyfriend
Katrina Ramos

     Wilson was everything Tia had ever wanted in a boyfriend. Mula nang una niya itong makita at ayain siyang magsayaw, hanggang sa unang date nila, nang ligawan siya at hanggang sa officially on na sila, he never failed to surprise her and make her happy.
Tila alam nito ang lahat ng gusto at kailangan niya. Iyon na nga siguro ang tinatawag na ‘destiny’. She seemed to have found her soulmate.
But fate played a trick on them. Or rather, it was Wilson who played tricks with their fate… dahil all along, planado pala nito ang lahat ng nangyari sa kanila.

Catch Me If I Fall
Hannah Wabe

     Matapos ang dalawang linggong pakikipag-date kay Enrico, Yasmin was so sure there was something special between them. It was confusing, illogical and difficult to explain, pero iyon na iyon—in love siya. Sa wakas, natagpuan na rin niya ang matagal nang hinahanap. She was ready to fall in love with this great guy.
Pero tila iniiwasan naman ni Enrico ang topic na iyon. At lalong na-disappoint si Yasmin nang bigla na lang itong hindi nagparamdam. Ang mas nakakainis, iniwasan siya nito matapos siyang halikan—kung kailan pang nakasiguro na siya sa sariling damdamin.
Apparently, love had burned him once and he had no intention of giving it another try….

My Dearest Enemy
Lily Ann Muñoz

     Kahit pa magkaaway ang kani-kanilang pamilya, nagkalapit ang kalooban nina Irish at Randell. Matagal na niya itong hinahangaan at ito naman ay tila may gusto rin sa kanya. Pero medyo naiinip na siya dahil wala itong sinasabi at hindi rin nanliligaw. Inisip naman niyang kumukuha lang ito ng tiyempo.
Ngunit ganoon na lang ang galit at sakit na dumating sa kanya nang malamang may nobya na pala ito, at pinaglaruan lang nito ang damdamin niya.
Simula noon, itinuring na niyang mortal na kaaway ang lalaki at ni hindi sinubukang kausapin ito.
Pero mukhang mapipilitan si Irish na pakiharapan ito sa sitwasyon ngayon: nagtanan kasi ang kanyang ina kasama ang ama ni Randell!

And presenting, our new series: My Special Valentine Desire…

Guilty Pleasures
Olivia Ray

     Marco had formed bad opinions about Geraldine—gold digger, walang delicadeza at willing maging mistress ng isang D.O.M. para lang magtagumpay sa career bilang abogada.
But the attraction he felt for her was way too much for him to ignore. At ang maiinit na halik na pinagsaluhan nila ng dalaga ay hindi sapat para ibsan ang pangangailangan niya.
Opportunist or not, he just got to have her.

Beyond Innocence
Doreen Laroya

     “Spend the night with me. Name your price,” Nathan said frankly. Hindi na ito nagpaligoy pa.
Sandaling nag-isip si Vielle. “Okay, one million pesos,” matapang na alok niya.
Napasipol ang binata. “You’re way too expensive for a night, Babe.”
“Then wala na tayong dapat pag-usapan pa.”
Tumalikod siya at akmang lalakad na palayo nang muli itong magsalita. “Okay, payag ako.”
Nathan moved closer and caressed her shoulders. “I’ll give you a million.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Just make sure I’ll get my money’s worth.”
Doon natauhan si Vielle. Pangangatawanan ba niya ang sariling hamon, when what she needed from him was more than just plain, unadulterated sex?

Nights With A Stranger
Terri Dizon

     Cathy was another no-boyfriend-since-birth case. Sa tingin niya, her heart was just downright stubborn! At sobrang mapili pa.
Kaya naman pati siya ay nagulat sa sarili nang maakit siya sa unang dinig pa lang sa tinig ni Mike. Lalong nag-swoon ang puso niya nang lingunin niya ito at magtama ang mga paningin nila. My, he was the sexiest man she had ever laid her eyes on!
She must have underestimated herself all this time dahil gulat na lang siya, bago pa man niya maibigay sa lalaki ang ilang impormasyon tungkol sa sarili niya, nauna na niyang naipagkatiwala kay Mike ang katawan niya….

Indecent Proposal
Mia Shyrene

     “Kahit gaano pa kalaki ang utang-na-loob ko sa ’yo, wala kang karapatang paglaruan ang damdamin ko,” singhal ni Ingrid nang marinig ang proposition ni Neil na bigyan niya ito ng anak.
“Hindi damdamin ang pinag-uusapan natin dito. Katawan mo lang ang gusto ko.” Naalarma siya nang tumabi ang binata sa kanya at unti-unti siyang ikinulong sa matipuno nitong mga bisig. “Let’s seal our agreement.”
“Teka! Hindi pa ’ko nakakapag-decide—“
“It doesn’t matter.” Sinakop nito ang mga labi niya. Walang nagawa si Ingrid kundi ang magpatangay rito. “In six months’ time, I know magsasawa rin ako sa ’yo.”
Parang bombang sumabog iyon sa pandinig ni Ingrid. Maybe she should quit hoping for the impossible—hindi na mangyayaring mababago niya ang opinyon ni Neil sa lahat ng babae….

If you are interested to buy any of these books, please view this page for more information. Thank you!

0be3b654415eabeaff902a30a201ee0e4e2a4b657849b6d2456fccb421f3e99e

happy go lucky movie scene wicked lake college movie king of new york movie screenplay queen of spades the movie monster never back down movie theaters my bloody valentine movie actor dead like me movie downloads dark honeymoon movie news miracle at st anna movie seen living hell crash movie