Posted on

Brand New Series From My Special Valentine!

You asked for it, and now it’s here!

We are proud to introduce a totally new series from your favorite Tagalog Romance pocketbook, My Special Valentine!

My Special Valentine Bestsellers is a collection of the most popular and well-loved titles of the past. These books are already out of print, but we are bringing them back in a brand new format.

Watch out for My Special Valentine Bestsellers in your favorite bookstores SOON!
My Special Valentine -- Bestsellers Volume 1
Want to read the story teasers?

Previews

Could It Be Love?
Carla Giopaolo

     “Huwag kang mag-alala, I will make it worth your while,” Devin said nang pagbigyan ni Sherie ang pabor nito.
     Mukhang pera ba siya? she thought angrily. “You can keep your money. I’m doing this dahil kliyente ka ng kompanya namin.”
     “Ginagawa mo ba ito para sa lahat ng kliyente mo?” tanong nito.
     At talagang ginagalit siya ni Devin Almirañez! He was indeed the worst form of life on the planet. Pero walang sasang-ayon kay Sherie… kahit mismong puso niya.

I Will Give You My All
Emily Loris

     “Hindi ka magsisisi, Jennifer. I promise I will give you my all,” pangungumbinsi ni Matthew sa alok nitong affair.
     Hindi makapaniwala ang dalaga. Affair, hindi kasal ang alok ng lalaking mahal niya.
     “Everything except your freedom,” dugtong niya.
     “Yes… and I’m sorry, Sweetheart, but I can’t help being that way.”
     “Hindi mo rin kailangang mangako sa akin ng anuman. Tinatanggap ko na ang offer mo,” buo ang loob na sabi ni Jennifer.
     Hindi niya kayang kalabanin ang sarili. Iyon ang pagkakaiba nila ni Matthew. Kaya nitong kontrolin ang sarili na huwag siyang mahalin. At kung kailanganin niyang lumayo sa bandang huli ay buong-puso niyang gagawin.

Kunwari Lang Iyan
Bernadette Alexandra

     “Hindi ko naramdaman na nightmare para sa iyo ang gabing hinalikan kita. As far as I can remember, ginantihan mo ang halik ko,” mayabang na sabi ni Judah.
     Lalong nag-init ang mga pisngi ni Roanne. “Bastard!” Akmang tatalikuran na niya ito nang pigilan siya nito sa braso. Naalarma siya, kinabahan dahil baka halikan na naman siya nito.
     “Don’t worry, I won’t kiss you here dahil baka makita tayo ng parents mo. Sinabi ko sa kanila na igagalang kita hanggang sa magawa mo akong patawarin at mahalin.”
     “Asa ka pa!” Gahibla na lang at bibigay na siya sa mga pang-aakit ni Judah. Pero bago iyon, tuturuan niya muna ito ng leksyon….

In Love With A Playboy
Nicole Stephanie

     “I’m glad ikaw ang nagpanggap na asawa ko,” sabi ni Luke. Theirs was a fake marriage.
     “So, tanggap na pala ni Leslie na may-asawa ka na,” ani Mattie.
     “Sort of. But she said she’s going to make me hers come what may. If that happens, maipaglaban mo kaya ako?”
     Gusto niyang isagot, You’re not my real husband. Pero sige, ipaglalaban kita. Hindi dahil binayaran mo ako para gawin iyon kundi dahil ayokong mapunta ka kay Leslie… dahil ang gusto ko’y sa akin ka lamang….

A Bride For Stone
Cher Ami

     “I’m not the kind of girl who would go for looks and charm,” linaw ni Kelly.
     “What kind are you?” balik ni Stone.
     “The kind of girl who fights for her rights.” Karapatan niya ang mamanahin sa ama. At kung ang pagpapakasal sa guwapong ito ang tanging paraan, gagawin niya.
     “That’s my girl,” anito.
     “No, Stone. I’m not your girl. Nobody owns me.” So she says. Pero nagseselos siya sa mga babaeng napapaugnay sa binata at nasasaktan sa katotohanang wala itong anumang pagtingin sa kanya….

Wanted: Mr. Right
Angela Alfonso

     Jenna had always loved Daniel. Kaya nang makaipon siya ng sapat na lakas ng loob, sinabi niya iyon sa binata. Pero ipinamukha lamang nito na walang katugon ang damdamin niya.
     Time healed her broken heart at handa na siyang magmahal ulit. Ang mission niya: Hanapin si Mr. Right. At napaka-ironic na noon nagpakita si Daniel.
     She couldn’t possibly love him after all those years… pero di niya madiktahan ang sariling puso. Mahal pa rin niya ito. And this time he had less to offer; an intimate relationship without marriage, without love….

Kapag Puso Ang Nakataya
Gabrielle

     “King, ano kaya kung turuan mo na lang akong humalik?” pakiusap ni Queen. Ayaw niyang mapahiya sa nobyong si Jude.
     “Nababaliw ka na ba?” sigaw ni King sa kababata.
     “Kung ayaw mo, eh, di huwag!” Inis na tumayo siya. “Sa iba na lang ako magpapatulong—”
     Bigla nitong hinalbot ang braso ng papatayong dalaga at bago pa siya nakakilos ay lumapat na ang mga labi nito sa kanyang bibig.
     And suddenly, hindi na niya gustong mahalikan pa ni Jude. But King has a girlfriend, too. At wala siyang planong maging third wheel….

Kabayaran Sa Kahapon
Rea Lyn Ortis

     Nasa Amerika noon si Jason nang maganap ang trahedya sa Sevilla farm. Pagbalik ng binata ay nakaburol na ang mama nito. Ang ina ng nobya nitong si Diana ang suspect sa krimen. Walang nagawa ang dalaga para maisalba ang kanilang relasyon.
     Pagkatapos ng walong taon ay muli silang nagkita. Nasukol siya ng binata na ang nais ay maningil at maghiganti sa pagkamatay ng ina nito.
     Kailangan niyang ipaunawa rito na walang kasalanan ang kanyang ina. Napagbintangan lamang ito at natakot sila kaya napilitang magtago.
     Pero katawan ni Diana ang hinihingi ni Jason bilang kapalit ng pang-unawa nito….

Love Thy Enemy
Estrella Montenegro

     Bata pa sila ay kaaway na ang turing ni Cheska kay André Quinones. Lagi siya nitong inaalaska at nilalait.
     Mabuti na lang at lumipat ito sa Davao at nagkalayo sila.
     After fifteen years ay nagkaharap silang muli. Napakaguwapo nito, higit sa inaasahan niya. To add insult to injury, tinupad ng binata ang pangarap ng ama ni Cheska para sa kanya. Like her dad, André was also a successful lawyer.
     Napakamiserable ni Cheska nang imbitahan ito ng daddy niya na magbakasyon sa kanila. Pero noon niya nakilala ang pagkatao ni André na maaari niyang mahalin.
     At napakasaya niya sa natuklasan. Hanggang sa dumating ang isang babaeng naiwan ng binata sa Davao….

Bantay-Salakay
Adrienne Rowland

     Malapit nang masiraan ng bait si Russell Ralph Montero sa assignment niya. Ang mission: bantayan ang dalagang anak ni Major Amado na si Avon na gustong pakasal sa sira-ulo nitong nobyong si Carlitos. Kinailangan niyang magpanggap na bading para makapag-apply na assistant sa shop ng dalaga. Gumawa rin siya ng paraan para magkasama sila sa bahay.
     Ilang beses na nitong pinagdudahan ang kasarian niya. Di lang sapak ang inaabot ni Russell kapag nahuhuli siya ng babae na nakatitig sa mga assets nito.
     Para namang tukso na dikit nang dikit si Avon. Kapag hindi siya nakapagpigil, papatulan niya talaga ito….

Pahiram Ng Isang Gabi
Bea Dizon

     Snobbish si Liza at walang panahon sa seryosong relasyon. Ang tanging gusto niya was to find the right fling and learn the sensual arts with him.
     Kontrabida ang lahat ng kaibigan niya. Maghunos-dili raw siya at mag-isip-isip muna. But she was determined to be a woman… in a man’s arms.
     The man turned out to be the affluent architect Jed Montejo. Gusto na niyang mag-back out nang kaagad mapaso sa halik nito. But he was an expert at seduction.
     At huli na nang matuklasan ni Liza na hindi lang one-night stand ang gusto ni Jed….

The Day He Took My Hand
Sydney Robles

     Magpapakasal si Beth kay Will dahil sa tatlong dahilan.
     Una, tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kanya.
     Wala na siyang pakialam kung hindi siya sigurado sa feelings para sa binata.
     Pero hindi inaasahan ni Beth na darating ang araw na mamahalin niya si Will nang higit pa kaninuman.
     Handa na siyang magtapat ng pag-ibig sa lalaki, pero hindi niya inakala na mababaligtad ang sitwasyon… dahil si Will naman ngayon ang hindi na makatugon sa nararamdaman niya….