Posted on

Release For September-October

Here is our September-October titles for My Special Valentine!
Release for September-October 2008
Want to read the story teasers?

Previews

The Perfect Stranger
Ivy Belen

     “Hindi mo ba naisip na halos wala tayong alam sa isa’t isa gayong may anim na taon na tayong kasal?” tanong ni Jed.
     “Iyon ang kasunduan natin, di ba?” Walang emosyon ang tono ni Julienne.
     “Hindi mo ba pinagsisisihan ang kasunduang iyon?” Hindi niya masalubong ang tingin nito. Ano ba ang gusto nitong aminin niya?
     Lumapit ito sa kanya at bago pa siya makapalag, hinalikan siya nito nang malalim. “That’s how good it could be for us, Julienne. Perhaps even better,” Jed huskily said.
     Naglalaban sa loob ni Julienne ang pride at pag-ibig. Pero gaya ng dati, pride ang nangingibabaw.

By Hook Or By Crook
Ianne Lei Lauren

     “Sinabi ko na sa ‘yo, Jethro Valdemar, pakakasalan kita… sa ayaw mo man o sa gusto!” mariing pahayag ni Sandy. Her marriage to him would appease her guilt over his father’s death.
     He grinned. “You sound so promisingly aggressive, Honey. Am I that desirable at hindi mo talaga ako maayawan?”
     Namula ang mukha niya, pero hindi niya hahayaang lumabas siyang talo. “And if I said yes, ano’ng masasabi mo?”
     Itinukod nito ang dalawang kamay sa mesa niya at inilapit ang mukha sa kanya. She instantly rolled her chair backwards. Napahalakhak si Jett.
     Seeing him up close, bumilis ang tibok ng puso ni Sandy. Tila maiiba na yata ang dahilan kung bakit niya gustong makasal dito….

Kahit Pangalawa Sa Puso Mo
Elise Estrella

     Dahil tila wala namang pag-asa ang damdamin ni Daphne para sa best friend na si Albert, minabuti niyang kalimutan na lang iyon. Sa palagay niya, nakatadhana na talaga na maging magkaibigan lang sila.
     Lalo niyang napatunayan ang hinalang iyon nang makilala si Cedric. Unang beses na nginitian siya nito, she could not help being attracted to his gorgeous dimples. Guwapo, halatang mabait na anak at kapatid, talented, matalino… ideal guy niya ito. And the best part was, he seemed to like her, too.
     Saka naman nagsimulang umakto nang kakatwa si Albert–para itong nobyong nagseselos kay Cedric.
     And Daphne found herself feeling confused….

Stay Forever
Kairie Gatchalian

     Alam ni Anna, dapat niyang ipaliwanag kay Phillip ang dahilan kung bakit niya ito iniwan ten years ago. He has suffered enough already and he deserved to know the truth. But would it really be fair for her to stir up old grievances para guluhin pa ang kasalukuyan?
     Damn it, hindi na dapat siya bumalik sa lugar na iyon. Pagkalito at sakit lang ang hatid sa kanya niyon at hindi na dapat niya iniwan ang safety ng London.
     Pero nang maalala ang mukha ni Phillip na nasilayan niya kanina, Anna knew it was worth all the pain. Muli niyang naramdaman na tunay na nabuhay ang puso niya. At kasama ng sakit ay ang kumpirmasyon na, sa kabila ng sampung taon, ang lalaking iyon pa rin ang laman ng puso niya….

Laro Ng Puso
Terri Dizon

     Noong unang makilala ni Monina si Jake Lacaniente ay gigil na gigil siya rito. Sa tingin niya kasi, napakawalang-puso ng binata para basta na lang ibenta ang minana nitong restaurant, nang hindi man ikinonsidera ang mga empleyadong halos buong buhay na ang ipinagsilbi roon at maaaring mawalan ng trabaho.
     Unang-una pa naman sa listahan ang head chef na tatay-tatayan niya.
     Pero nang malaman ng dalagang kailangan lamang nito ng kapital para makabalik sa pangangarera, napalitan ng simpatya ang pagkainis niya rito. At habang nakikilala niya ang binata, lumago nang lumago ang simpatyang iyon, hanggang sa maging love na.
     But first impressions last. He turned out to be the devil that Monina first thought he was. Dahil niligawan lang pala siya nito para pamukhaan ang manliligaw niya, na mortal nitong kalaban sa racing….

My Own Love Story
Aira Felicity

     Hiling kay Lizette ng pinsan niyang namayapa, puntahan niya ang nobyo nitong si Wayne Narvaez at isanobela niya ang love story ng dalawa.
     Parang piniga ang puso niya nang makita ang lalaki. Napakalayo ng Wayne na kaharap niya sa binatang bukambibig ng pinsan niya noon. Ang Wayne sa kuwento ni Elle ay masayahin, loving, mabait at friendly.
     Pero ang kausap niya ngayon, sing-lamig ng yelo ang mga tingin, at maging ang pananahimik nito ay naglalabas ng kalamigan.
     Sa tingin ni Lizette ay kailangan nito ng tulong. At kung pagbabasehan ang malakas na kabog ng dibdib niya sa tuwing makikita ang lalaki, alam niyang hindi lamang awa ang dahilan kung bakit gusto niyang damayan si Wayne….

The Millionaire’s Seduction
Olivia Ray

     Hindi binitiwan ni Byron si Ruth kahit anong piglas niya. “Hindi ko alam kung bakit handa kang magpakalat ng isang kasinungalingan. I can only guess your motive. Thrill-seeker ka nga ba, Ruth? Or are you a fortune hunter? Magagawan natin ‘yan ng paraan. You could be my mistress. Iíd give you anything you need and more. Also, I’ll fulfill your every wish, every desire… every night.”
     How dare him! She did not deserve this. Nakipagkita lang siya sa lalaking ito para ayusin ang iskandalo sa pagitan ng kakambal niya at ng kapatid nito.
     And why was he seducing her? Inaasahan ba nitong bibigay rin siya tulad ng ibang babae? Hindi
mangyayari iyon.
     Ngunit ano itong nararamdaman niya ngayon? She felt something stir inside her….

Sweet Surrender
Hannah Wabe

     Sira na kaagad ang araw ni Eunice makita lang ang kababatang si Bruce. Ewan ba niya kung ano ang nakita nito sa kanya at ayaw nitong sumuko sa panliligaw kahit ilang libong beses na niya itong binasted.
     So para lubayan na siya ng lalaki, nag-display siya ng boyfriend sa harap nito. Naaawa man dahil alam niyang nasaktan ito nang sagutin niya si Arvin, pero wala siyang magagawa para rito. Ayaw talagang tumibok ng puso niya sa kababata.
     Kung kailan naitaboy ito ni Eunice, parang doon naman nagsimulang nahulog ang loob niya sa binata. Ngunit mukhang naibaling na ni Bruce ang pagtingin sa iba.
     Huli na yata ang lahat nang matauhan siya….

Tell Me You Love Me
Lady Lalaine

     “L-look, I don’t know what kind of game you’re playing but let me tell you this: I don’t like it,” pilit nagpapakatatag na asik ni Nikki kay Mark. Hindi niya maaaring hayaang hawakan siya ng lalaki gaya ngayon.
     “Really? I have this feeling that you are lying. I could even hear the thudding of your heart, and my, it’s fast,” tukso ni Mark. Akmang magsasalita siya nang pigilan nito, “Shut up, Dominique, and close your eyes! Kanina pa kita gustong halikan, but how am I supposed to do that if you keep on talking?”
     Hindi na naituloy ni Nikki ang pagpoprotesta dahil agad sinakop ng lalaki ang kanyang mga labi. At kusa ngang pumikit ang mga mata niya.
     Ah, her so-called husband was doing again what he does best–seducing her.

Hintaying Mong Mahalin Kita
Lani Sarmiento

     Hindi matapus-tapos ang pagsermon ni Missy sa sarili. Bakit ba siya nag-suggest sa kapatid ng ganoon?
     Dahil sa sobrang pagkadismaya nang malamang siya pala ang pambayad ng ama sa mga utang nito kay Elton, hindi na siya nag-isip nang malinaw. Alam niyang patay na patay ang ate niya sa binata at lalong lalalim ang animosity sa pagitan nila kung matutuloy ang kasal nila ng lalaki. Kung kaya sinabi niya sa kapatid na pikutin nito si Elton. Naisip ni Missy na kung mapipikot ng ate niya ang milyonaryo, hindi na niya poproblemahin pa ang pagpapakasal dito. Balik na agad sa normal ang buhay niya, napasaya pa niya ang kapatid.
     Kaya lang, may isang bahagi ng utak ni Missy na ayaw pumayag. Parang mas gusto niyang sarilinin na lang si Elton….

To Be With You
Ally Falcon

     “Ang akala ko’y hindi ka na magpapakita sa ‘kin pagkatapos ng pagbabanta sa ‘yo ni Dad kagabi,” nahihiyang saad ni Yvonne.
     “Hindi niya ako mapipigilan na makipagkita sa ‘yo.” Lee reached for her hand and squeezed it gently. “I like you, Yvonne,” sambit nito. Hindi niya alam ang isasagot kaya napayuko na lamang siya. “Do you feel the same?”
     “Kailan lang tayo nagkakilala, Lee,” malayong sagot niya.
     “Does it matter? Ang gusto ko lang namang marinig ay kung gusto mo rin ako. Iyon lang ang mahalaga.”
     “I… I don’t know.”
     Sabihin man ni Yvonne ang totoo at amining pareho sila ng nararamdaman, mukhang wala ring kahihinatnan ang pagtitinginang iyon–hangga’t hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ng kanyang ama, dulot ng kabiguan sa ina ni Lee….

Ikaw Pa Rin
Niña Plaus

     “Let’s not talk about the past,” maawtoridad na hayag ni Luke. “Let’s talk about our future. We will be married soon.”
     “Wala akong natatandaan na pumayag ako na magpakasal sa iyo,” galit na sagot ni Lana. Sino ito para magdesisyon na tila ba wala itong pakialam sa opinion niya?
     “Yes, you’re going to marry me. I will make sure of that.”
     Inis na tinitigan niya ito. “And why would you want to marry me? Bakit hindi si Cindy ang pakasalan mo?”
     Bahagyang lumambot ang hitsura nito. May fondness siyang nakita sa mga mata nito.
     She wanted to hope na mahal pa siya nito. Pero ayaw na niyang muling umasa, then end up alone and hurting again….