Posted on

Release For August-September

Here is our August-September titles for My Special Valentine!
Release for August-September 2008
Want to read the story teasers?

Previews

Tough Love
Olivia Ray

     Janine loved her father. Pero may mga pagkakataong kinaiinisan niya talaga ito at ang ngayon ay kasama sa minsang iyon. Paano kasi binigyan siya nito ng malaking problema… kung kailan pa siya nito iniwan nang mag-isa sa mundo.
     Kesyo disgusto nito ang kawalan niya ng interes sa pag-aasawa, binigyan siya ng kondisyon ng ama bago niya matanggap ang kanyang mana: kailangan niyang pakasalan si Jeric Ramirez.
     Si Jeric ang kanyang kababata at best friend–ex-best friend rather. Mula noong tanggihan niya ang ipinahayag nitong pag-ibig, kinalimutan na nila ang kanilang pagkakaibigan.
     Natuwa siya nang malamang mahal pa rin siya ng lalaki. Kaya takang-taka at lihim na nagngitngit sa galit si Janine nang tanggihan siyang pakasalan ni Jeric….

Lead Me To Love, Adelle
Aira Felicity

     It was probably fate’s way of intervening in Adelle’s too mundane life. Isang gabi ay sumulpot sa kanyang pinto ang kapitbahay niyang abogado. Hinang-hina ito dahil sa forty degrees yatang temperatura. Tulak ng kagandahang-loob, minabuti niyang alagaan ito sa mismong silid niya.
     Hindi niya akalain na ang kabutihang ginawa niya ay magdudulot ng pahamak sa kanya.
     Nagising siya kinabukasan at natagpuan ang galit na galit niyang lola habang nakatingin sa kanila ng di-nakikilalang lalaki na naabutan nito sa kanyang unit.
     Lalong lumaki ang problema ni Adelle nang sa halip na itanggi ni Keith ang hinala ng matanda, sinabi nitong nagmamahalan sila at handa siya nitong panagutan!

Noon, Ngayon At Kailanman
Sharon Rose

     Napasinghap si Kristin nang makilala ang sumalubong sa kanya sa islang pagbabakasyunan. The lanky and boyish guy ten years ago, has transformed into a real-life version of a Greek god!
     She felt the familiar jolt in her heart. Ngunit wala nang kabuluhan iyon ngayon. Tumigas ang kanyang mukha nang maalala ang kahapon. “Hindi ikaw ang inaasahan kong sasalubong sa akin,” matalim na turan niya. “I’m looking for Chelsea Florida.”
     Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Shane. “Oh, sorry, Sweetheart. She was only a front act. Ako ang nakatakdang makasama mo sa islang ito. Whether you like it or not.”
     So her friend and this bastard trapped her into this mess! Kaagad na nabuo ang takot sa dibdib niya.
     Looking at his grim face, alam niyang hindi pa nito nalilimutan ang ginawa niyang pambabale-wala sa damdamin nito noon….

Magkaibigan, Nagkaibigan
Arlene Faye

     Seryoso ang mukha ni Rui. “Kung anuman ang mga nasabi ko noon, Mitchie, kalimutan mo na. Huwag mo nang alalahanin dahil kahit ako hindi ko na rin iyon naaalala. Pati na rin iyong feelings na sinabi ko sa iyo. Dala lang siguro iyon ng pagiging immature ko. I want to make a fresh start because we’ll be working together most of the time.”
     She tried to act as calm as possible. Nagpapasikip ng dibdib niya ang mga sinabi nito. Kalimutan na raw niya ang feelings nito dati sa kanya? Ano ba itong nangyayari sa kanya? Parang nanghihinayang siya. She tried to smile. “Good to hear that. Let’s be friends again and stay friends forever.” Inilahad pa niya ang kanang kamay para makipagkamay kay Rui.
     Pero nang maglapat ang mga palad nila, gusto nang bawiin ni Mitchie ang nasabi. She suddenly did not want him to be just her friend forever….

Meant To Be Mine
Tarra Buluran

     It was like the way Therese dreamt of how love would hit her–unexpected, at hindi pinlano. Kabaligtaran iyon sa naisin ng kanyang ama-amahan na siya mismong pumili ng lalaki na magiging asawa niya di-umano.
     Tumakas siya mula sa kanilang mansion, nagpanggap na katulong at namasukan sa isang guwapong doktor.
     Pero tama nga yata ang romantic ideas niya, kahit saan pa siya magtago, matatagpuan at matatagpuan siya ng pag-ibig. At ganoon nga ang nangyari. She found love–sa katauhan ng among si Earl Corcuera.
     Kaya laking gulat na lang ni Therese nang malaman niyang iisa ang lalaking pinili ng kanyang ama at ang binatang minahal niya….

The Melody Of Love
Hannah Wabe

     To shake her out of her misery, inirekomenda si Melody ng kanyang best friend bilang tutor sa isang prominenteng pamilya sa probinsya nito. Iyon nga lang, isang emotionally troubled ten-year-old girl ang magiging estudyante niya.
     Dahil wala naman siyang ibang magawa at gusto rin niyang makalayo muna sa Maynila, pinatulan na niya ang trabahong maging stay-in tutor ng bata. Ang buong akala niya, the little girl would be her only headache.
     But she forgot to factor into the picture si Francisco Lorenzana IV, ang ama ng bata. Hindi lang sakit ng ulo ang regalo nito sa kanya, kundi pati sakit sa puso.
     And by that she did not mean a heart attack, but heartache.

Minsan Lang Kung Umibig
Ranisa Ynea

     Bagaman nagluluksa pa rin sa kamatayan ng lalaking una niyang minahal, minabuti ni Jamie na tanggapin ang marriage proposal ng kanyang bagong nobyo.
     Alam niyang hindi pa rin nawawala sa puso niya ang pag-ibig para kay Alec, pero kailangan na niyang mag-move on. Hindi niya gustong patuloy na magpakalunod sa kalungkutan. After all, walong taon na rin naman ang nakalipas mula noong mamayapa ito.
     Pakiramdam ni Jamie ay nawalan ng saysay ang walong taon ng buhay niya nang malaman niyang buhay pala ang pinagluluksa niyang si Alec at isang kasinungalingan lamang ang pinapaniwala sa kanya ng pamilya nito….

Unbreak My Heart
Judith Arevalo

     Masakit na masakit ang dibdib ni Gwen nang gabing iyon. Natuklasan niya ang kataksilan ng kanyang nobyo at nalaman niyang iba na pala ang balak nitong pakasalan.
     Gaya ng nakagawian, pumasok siya sa silid ng kanyang kapatid na noon ay natutulog na. Tumabi siya sa higaan nito para makaamot ng init at pagdamay mula sa mga yakap nito.
     Ganoon na lang ang hilakbot niya nang kinabukasan ay ibang mukha ang mamulatan na katabi niya. Dahil sa mga larawan na naipakita na ng Kuya Jebb niya, nakilala niyang ito si Matteo, best friend ng kanyang kapatid….

Fake Lovers
Maristella Feliz

     Huli na nang malaman ni Danielle kung ano ang relasyon ng napamahal na sa kanyang pasyente sa dati niyang nobyo. Ito pala ang ipinalit sa kanya ng lalaki.
     At ngayon, siya pa rin ang dahilan kung bakit hindi maging lubusan ang kaligayahan ng mga ito.
     “And what do you want me to do? Mag-resign?” naiinis na tanong niya kay Dave, ang kuya ng kanyang pasyente.
     “No,” anito. “Kailangan lang makita ng dalawa ang assurance na naka-move on ka na. And that’ll onlybe possible when they see you with your new boyfriend.”
     “But I don’t have any boyfriend.”
     “Be my girl, Danielle. Magpanggap tayong in love sa isa’t isa.”
     Hindi siya nakapagsalita sa sobrang pagkagitla.

Paiibigin Kita
Anne Mariz

     Hindi malaman ni Jodie kung matutuwa o maiinis sa ipinapagawa sa kanya ni Don Hilario Montana, ang business tycoon na pinagkakautangan ng pamilya niya. Paibigin daw niya si Renz Montana, ang nag-iisang tagapagmana ng don, kapalit ng malaking halaga.
     Hindi niya inaasahan na magiging ganoon lang kadali ang inakala niyang mahirap na ‘trabaho’. The first time they met, tila nakuha na niya agad ang atensyon nito. Iyon nga lang, kasabay niyon, nabihag din ng binata ang puso niya. At paanong hindi? Si Renz ang kabuuan ng lalaking pangarap niya na makasama at mahalin habambuhay: guwapo, macho, mabango… at higit sa lahat, masarap magmahal.
     Ngunit natuklasan nito ang totoo, at ngayon kailangang harapin ni Jodie ang poot ng binata….

Chasing Hearts
Charlotte Dianco

     Kabaligtaran ng imahe niya bilang manunulat, hindi pa minsan man nagkanobyo si Phoemela. Sa mga sinusulat niya, daig pa niya ang liberated women at women of the new millennium kung makapagbigay ng opinyon tungkol sa relationships, pero ang totoo, wala talaga siyang karanasan doon. Successful naman siya sa larangan niya kahit ganoon. Isa sa mga dahilan kaya nai-intimidate sa kanya ang mga lalaki.
     Enter Lt. Jordan Santillan. Hindi maganda ang unang impression nila sa isa’t isa, pero nang maglaon, natuklasan niyang marami pala itong kaibig-ibig na katangian. Ito lang yata ang tanging lalaking nakilala niya na hindi na-intimidate sa kanya. Pakiramdam niya talaga, she had found ‘The One.’
     Pero laking dismaya ni Phoemela nang malaman ang tungkol sa buntis na babaeng itinatago ni Jordan….

Kiss The Girl
Mari Calingayan

     Halos maubos ni Gail ang isang gallon ng ice cream dahil sa sobrang inis at disappointment. When she saw Trevor sa set ng TV show niyang ‘Kiss The Girl’ nang dalawang beses, inakala niyang interesado ito sa kanya. At hindi niya talaga napigilan ang kilig nang sabihin nitong gusto nitong makasama at makilala pa siya.
     Pero nakipaglapit lang pala ito sa kanya dahil gusto siyang makilala nang personal ng lolo nito–who coincidentally was her Lola Gaya’s first love.
     Lalong naghimagsik ang kalooban niya nang madiskubreng ginawa ni Trevor ang lahat ng gulong iyonkapalit ng isang Ford Expedition!
     So, isang bagong sasakyan lang pala ang katapat niya para kay Trevor….