Posted on

Release For July-August

Here is our July-August titles for My Special Valentine!
Release for July-August 2008
Want to read the story teasers?

Previews

Game Of Love
Jade Laurice

     Ang lahat ng bumubuo sa Mighty Bull Basketball Team ay hindi nakahanda sa bagong may-ari ng koponan–ang maganda at sikat na modelong si Sidney Valerio. Kunsabagay, ang dalaga mismo ay di handang harapin ang responsibilidad na biglang naatang sa balikat niya. Ano nga ba ang alam niya sa basketball? And she was definitely not prepared for the team’s head coach–the arrogant, demanding, overbearing male chauvinist pig, Morgan Lagdameo. Ito ang uri ng lalaking pinakaaayawan niya.
     It seemed like the feeling was mutual. The beautiful new boss was everything Morgan despised–a meddling bimbo who could not distinguish a center player from a point guard.
     Pero sa kabila ng di-pagkakasundo, bakit hindi nila maiwasan ang isa’t isa? Suddenly, more than just a championship title was at stake. Because passion became the name of the game….

Forever In Your Eyes
Sharon Rose

     “Ano’ng ginawa mo sa ‘kin?” asik ni Maureen sa estrangherong naabutan niya sa di-nakikilalang silid. Alam niyang dapat siyang magpasalamat dahil kung hindi siya nito tinulungan baka palutang-lutang na ang bangkay niya sa dagat ngayon.
     “Ginawa ko lang naman ang dapat para matulungan ka sa kalagayan mo. I bathed you, undressed you… put on that t-shirt you’re currently wearing and applied moisturizers all over your body. Satisfied?” he scowled.
     “You sexually harassed me!” Gustung-gusto niyang sampalin ang pagmumukha nito. Ngunit sa halip, nagtalukbong siya ng kumot. She felt uncomfortable. She could imagine his callous hands all over her bare skin… and she could almost feel it now. Nararamdaman niya ang pangangapal ng mukha at hindi na yata niya kayang pakiharapan ang lalaki….

Karugtong Ng Kahapon
Hannah Wabe

     The pain and confusion on Nathaniel’s eyes told her that he really believed na siya ang dahilan ng paghihiwalay nila noon. At that point, she realized that they had both been wronged.
     Kung sino man ang may-sala para sa di nila pagkakaunawaan, nagtagumpay ito. It caused a rift between the two of them.
     Pero ang nangyari ay nangyari na. It should be left in the past. And it could not just be undone.
     “I really loved you, Kimi,” ani Nathaniel.
     Napangiwi si Kimberly. Loved… past tense. Ayos na iyon sa kanya. Hindi naman siya umaasa na they would fall back madly in love into each other’s arms. Seventeen years was way too long. And they were no longer giddy teen-agers.

Bogus Love
Niña Plaus

     Noon pa mang mga bata sila ay inis na inis na si Janna kay Brett. Paano ay wala nang ginawa ito sa kanya noon kundi asarin at paiyakin siya. Samantalang ang kuya nito na si Karl ay napakabait naman at siyang taga-alo niya sa tuwing napapaiyak siya ng brother nito.
     Sa muli nilang pagkikita matapos ang maraming taon ay hindi pa rin pala ito nagsawa sa paggawa ng mga kalokohan sa kanya. Ngunit hindi isang simpleng childish prank lang ang ginawa ni Brett sa kanya sa pagkakataong iyon.
     Dahil nagising na lang si Janna isang umaga na magkatabi sila sa kama at parehong walang saplot!

An Affair To Remember
Connie C. Causing

     Nagimbal si Frances nang malaman ang prognosis ng doktor sa kanya–may ovarian tumor siya at kailangan iyong tanggalin in a couple of months’ time. The operation would take all her chances to bear a child. Tinanggap na niyang hindi siya para sa pag-aasawa, but she could not accept the thought of living alone. Kailangan niyang magkaanak bago siya operahan.
     Dahil walang mapili sa mga manliligaw niya, Frances decided to post a fake advertisement for the man who would help her bear a child. Natagpuan naman niya ang perfect prospective father ng magiging anak niya kay Miguel Aragon. Disente ito, matalino at sa lahat ng applicants, dito lang siya naakit. Pero kailangan niyang ihanda ang sarili sa anumang reaksyon nito kapag nalamang iba ang posisyong ibibigay niya sa trabahong in-apply-an nito. At patulan naman kaya nito ang outrageous niyang plano?

Rebel Heart
Elise Estrella

     The first time they met sa bus na patungong Baguio, agad nagkahulihan ng loob sina Rebecca at Nicko. Naroon sila pareho para magbakasyon at mag-isip-isip kung paano aayusin ang buhay-buhay nila. And they found more than just a companion in each other.
     She was not looking for a boyfriend… pero habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ang binata, parang gustong humiling ni Rebecca na higit pa sa pagkakaibigan ang mamagitan sa kanila. Pero malabo yatang matupad ang wish niya nang akyatin nila ang two hundred fifty steps sa Grotto.
     May nobyang naghihintay kay Nicko sa Maynila….

At First Sight
Jazmin Carena

     Siya ang anak ni Sir Rafael! bulalas ni Rose sa isip niya. Stupid of her para mapagkamalan niya si Tristan na isang ordinaryong empleyado sa kompanya. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking sinigaw-sigawan niya kahapon at ang magiging CEO nila ay iisa. Ano ba namang kamalasan ito?
     Lalo siyang kinabahan nang tumingin ito sa kanya at nakakalokong ngumiti. Umiwas siya ng tingin dito. Tama ang sinabi ng kanyang mga kasamahan, naging speechless nga siya nang makita ito. He was so handsome.
     Oh, boy! Bakit ba sa palagay niya ay naging gulaman ang mga tuhod niya sa tingin lang nito?

My One Desire
Dorothy Kim

     Arabella was not the gullible type of woman, na madaling marahuyo ng simpleng love note or sweet nothings. Pero hindi niya mapigilan ang sariling kiligin sa mga ginagawa ni Paul James del Mundo. Pigilan man niya, para siyang matutunaw kapag tinititigan ng lalaki. He could sweep her off her feet with just a simple smile.
     Ngunit nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki dahil sa kabiguang idinulot ng huling pag-ibig niya. Kaya naman bukod sa excitement, naroon din sa puso niya ang takot… na siya palang dapat niyang mas binigyan ng atensyon.
     Dahil habang nahuhulog ang loob niya kay James, nahuhulog din siya sa bitag nito. Wala itong ibang motibo sa paglapit kay Arabella kundi paghihiganti….

Roses And Dreams
Jean Mae Oryza

     Ayon sa kanyang tiyahin, sa bisperas ng birthday niya, kailangan niyang maglagay ng three red roses sa ilalim ng kanyang unan. Mapapanaginipan niya daw ang lalaking nakatadhana para sa kanya.
     Out of curiosity ay sinunod ito ni Lorraine. Ayon pa sa tita niya, ginawa iyon ng ginang noon kaya masaya ang married life nito. Ngunit limang taon niya na iyong ginagawa, pero lagi na lang ay nakakalimutan niya ang mukha ng lalaking napapaginipan sa tuwing nagigising siya.
     Pero papaano kung matuklasan niyang ang lalaki sa panaginip tuwing sasapit ang birthday niya, ay fiancé na pala ng ate niya?

Forbidden Attraction
Annie Lorr

     “Kahit kailan, Maila, hindi mo pa nakitang nagalit ako sa iyo. Pero subukan mong ulitin ang papapakagutom at makikita mo na kung paano ako magalit,” banta ni Paolo.
     “Paano ka ba magalit?” naghahamong tanong ni Maila. Lihim siyang nagdiriwang dahil sa ipinapakita nitong concern sa kanya. Kahit alam niyang pag-alala lamang iyon para sa isang kaibigan, masaya na siya roon kahit papaano.
     “Ganito,” sabi nito sabay hawak sa batok niya. Pagkatapos noon ay mariin siya nitong hinalikan.
     Nanlaki ang mga mata niya. Higit pa iyon sa pinangarap niyang makuha mula kay Paolo….

My Runaway Girl
Cherry Fernandez

     “Tinitiyak ko sa iyo, Alexandra, hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama,” mariing saad ni Leon nang puntahan siya nito sa pinagtataguan niyang bahay.
     “Nice,” sarkastikong aniya. Alam kasi niyang kailangan lang siya nito para maresolba ang kasong hawak nito.
     “Alex, kung gusto mo mang tumestigo kay Lin o hindi ay nasa sa iyo na iyon. But I’m here to return a favor.” Kumunot ang noo niya. “Isa ka sa mga taong tumulong sa akin níung mga panahong akala ko ay wala nang bukas para sa akin. Sounds corny, pero iyon ang totoo. You were my savior.”
     Tinitigan niya ito nang matiim and Alex could see he was sincere. A tinge of happiness surged through her. Matutupad na yata ang pangarap niya eight years ago….

The Sudden Bride
Nicole Stephanie

     Noon pa man, alam na ni Helen kung sino ang ama ng inaalagaan niyang bata na itinuring na niyang anak… walang iba kundi ang multi-millionaire na si Julius Gamboa. Ngunit itinanggi noon ng lalaki na anak nito si Hero kaya naman nang mamatay ang kaibigan niyang ina ng paslit ay inako na niya ang pagpapalaki rito kaysa ipagpilitan pa sa walang puso nitong ama. Ngunit isang araw ay himalang nagpakita si Julius Gamboa. Nais na nitong kuhanin si Hero sa kanya. Napamahal na sa kanya ang bata nang lubusan, pero desidido si Julius na makuha ito sa legal na paraan.
     Dahil sa pagtanggi niyang ibigay si Hero, inalok siya nito na maging permanenteng ina ng bata—pakakasalan siya ni Julius Gamboa. Pero mas lalong hindi niya kayang tanggapin ang proposal nitong iyon.
     Kung sana ay mahal din siya nito….