Posted on

Release For March-April

Here is our March-April titles for My Special Valentine!
Release For March-April 2008
Want to read the story teasers?

Previews

Just Pretend We’re In Love
Aisis Jane Castillano

     Gusto ni Bryce na paulanan ng mga tanong si Nadine at alamin kung ano ang ginagawa nito at nakikipagmabutihan sa ibang lalaki sa araw mismo ng kasal nila. Pero bago pa siya makapagsalita, inunahan siya ng babae.
     “Huwag mo nang ituloy,” anito. She was smiling but her eyes were as cold as ice. “Tumawa ka at magsimula na tayong magpaalam sa mga bisita. Sa bahay na tayo mag-usap.”
     He swallowed the words that he wanted to say. Instead, as a warning to her, he kissed her abruptly—hungrily. Kung hindi sa malakas na palakpakan at sigawan ng mga tao sa paligid nila, hindi pa siya titigil.
     Nang makita ang namumulang mukha ni Nadine at ang galit sa mga mata nito, wari ay nagising si Bryce mula sa ilusyon niya.
     Of course, bakit ba parati na lang niyang nakakalimutan? They were just pretending.

Fixing A Broken Heart
Hannah Wabe

     Nakatakda na ang kasal ni Yvette sa nobyong si Wilfred nang maaksidente siya. Nang magkamalay, dalawang taon na ang nakalipas at kasal na sa iba ang nobyo niya.
     Sigurado siya, sadyang sinira ang brakes ng kotse niya nang gabing maaksidente siya. Ngunit kailangan niya ng sapat na ebidensya para mapatunayan ang hinala. It was a blessing na may isang Jude na handang tumulong para malutas ang kasong iyon.
     Hindi lamang iyon. He had also managed to fix Yvette’s broken heart….

Abducted Heart
Kairie Gatchalian

     Patung-patong ang kinakaharap ni Naomi na problema ng kanilang pamilya. Mahina ang kita ng negosyo, nabuntis ang kanyang nakababatang kapatid na si Amanda. At ngayon, heto at dumagdag pa ang pinsan niya—dinala nito sa bahay nila ang binatang bumuntis umano sa kapatid niya. Ganoon na lang ang takot niya nang matuklasang maling lalaki ang na-kidnap ng pinsan niya. Hindi pala iyon ang nobyo ni Amanda.
     Looking at their hostage, Kevin Dela Nieve, naramdaman ni Naomi ang panibagong daluhong ng sakit ng ulo. It was not that easy to accept that she was fiercely attracted to their mistaken captive….

Broken Promises
Olivia Ray

     They made a vow five years ago. Nangako si Benedict na babalikan siya nito pagkatapos ng pag-aaral sa Estados Unidos. Naghintay si Katrina sa loob ng napakahabang panahon…
     Pero lumipas ang ilang taon na ni hindi ito nagparamdam, kaya nagpasya siyang kalimutan na ito. Ngunit paano niya iyon tuluyang magagawa kung may naiwan itong alaala sa kanya?
     Could she ignore his presence sa pagbabalik nito? Imposible yata dahil si Benedict mismo ang lumalapit sa kanya. Not because he wanted to fulfill his so-called vow of love, kundi dahil gusto nitong iparamdam ang galit nito sa kanya—na hindi maintindihan ni Katrina kung para saan….

Tuwing Kapiling Ka
Cari Delfin

     “Gusto ko sanang dito muna manatili ng ilang araw,” tukoy ni Romano sa bahay na iyon.
     Takang napatitig si Halley rito. Sa kanila ito titira pansamantala? tarantang naisip niya. Makakasama niya ito sa iisang bubong at araw-araw na makikita?
     Bilang ama-amahan sa mga naulila niyang pamangkin, alam niyang resonable lamang iyon. Kasabay ng tuwa, inatake rin siya ng takot. Halley missed him for the last two years that he was away. Nag-aalala siyang baka masyado silang masanay sa presence nito ngayon. Mahirap na, baka hanap-hanapin niya ito, oras na iwan silang muli ng binata….

Maging Akin Ka Lamang
Annie Lorr

     Natagpuan ni Joyce ang sarili na nasa sitwasyon ng kanyang ina noon—umibig sa isang lalaki na iba naman ang minamahal. Nasaksihan niya kung paanong nagdusa ang mga magulang niya dahil sa makasariling pagmamahal ng nanay niya sa kanyang ama.
     Alam niyang malaki ang posibilidad na magkabalikan si Carlos at ang dating nobya nito. Bukod sa ito talaga ang tunay na tinatangi ng binata, valid ang rason ng babae sa paglayo noon. She planned everything para hindi mangyari ang kinatatakutan niya. Ngunit nang magtagumpay si Joyce, tila hindi naman matanggap ng konsyensya niya na may dalawang kaluluwang nagdurusa dahil sa manipulasyon niya. So she opted to set Carlos free.
     Subalit hindi ikinatuwa ng binata ang naging desisyon niya….

I’ll Be Yours Forever
Arlene Faye

     Kyrene opened her eyes. Sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan, biglang-biglang nag-iba ang perception niya sa kaharap na si Bernard. Parang nabuhay sa katauhan nito ang nilikha niyang hero para sa nobela. She felt uneasy. Her heartbeat became erratic. Magkaharap sila ni Bernard at nagtititigan. His face was coming toward her. On instinct, she closed her eyes and anticipated what would happen next.
     But the kiss she expected did not come.
     “You think you’re ready to write that?” tanong ni Bernard.
     Napuno ng pagkadismaya ang puso ni Kyrene. Noon lang niya naalala, tinutulungan nga lang pala siya ng binata para ma-motivate siyang mag-inject ng romance sa sinusulat niyang script ng pelikula….

Hindi Nakakalimot Ang Puso
Sharon Rose

     “Pakiramdam ko ay maraming kulang sa aking pagkatao, Liz. Puno ng kahungkagan ang aking puso. I tried hard to fill that empty space in my heart. I know there was something missing.” Hindi alam ng dalaga kung bakit sinasabi sa kanya ni Christian ang lahat ng iyon. “Just recently, I found the largest missing piece of the puzzle.” He stared at her. “I found you, Liz. I don’t know, but the very first time I met you, I felt like I’m home again.”
     Liz just stared at his handsome face. It was unbelievable, pero pareho sila ng nararamdaman nito. Kung totoo ang reincarnation, she would think they must have met in their past lives.
     O bahagi ba si Christian ng nakaraan niya na hindi pa niya nagagawang maalala?

In His Kiss
Christine Acance

     Perhaps it was his gorgeous physique… or his sexy eyes. Sa dami ng magagandang katangian ni Oliver, hindi na magawa pang isipin ni Carolina kung bakit na-attract siya sa lalaki kahit sa maikli pa lamang nilang pagkakakilala. To think na pinagpapanggap niya lang itong nobyo para maiwasan ang planong arranged marriage ng mga magulang niya.
     Ang nakakatuwa pa, mabilis na natanggap ng mga magulang niya ang ‘relasyon’ nila at hindi na siya nito pinilit na ipakasal sa iba.
     Masaya na sana si Carolina. Hanggang sa malaman niya kung sino talaga si Oliver….

Ikaw Ang Ngayon At Bukas
Nathalie Julian

     “Nagseselos ba ang mahal ko?” naalala ni Astrid na tanong ni Jonathan sa kanya noon. “Mara is a childhood friend. Ganoon lang…” Kinabig siya nito pasandal sa balikat nito. “You don’t have to doubt me, Astrid. Ikaw ang aking ngayon at bukas,” pangako nito bago dinampian ng banayad na halik ang kanyang noo.
     She was too young then; too gullible kaya madali siyang napaniwala ng lalaki. Matapos ang ilang taon, aware man siya sa mas maraming bagay, apektado pa rin siya ng mga nabigong pangako ni Jonathan.
     Hindi na yata makakalaya si Astrid mula sa mga alaala ng dating nobyo kahit kailan….

Teach Me To Forget
Cassandra Victoria

     Parang lobong nag-deflate ang pag-asa ni Lawrencen ang malamang mahal pa rin ni Danielle ang yumaong nobyo at nakakulong pa rin ito sa alaala ng nabigong pag-ibig.
     Pero determinado siyang makuha ang loob ng dalaga. Hindi niya gustong hayaan na lang na maging malungkot ito habambuhay. Kahit pa hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang makakapagpaligaya sa babae, he was intent on giving it a try.
     Naisip ni Lawrence, kung hindi madadaan sa santong dasalan, puwedeng daanin sa santong paspasan.
     He swore he would have Danielle no matter what it takes….

One Enchanted Night
Lily Ann Muñoz

     Ayon sa mga kaibigan ni Lyra, ang istorya raw ng buhay niya ay kahalintulad sa kuwento ni Cinderella. Ultimo mga eksena sa naturang fairy tale ay naganap din sa kanya, kaparis ng pagkakaiwan niya ng sapatos sa isang party, matapos makipagsayaw kay Andrew Sandejas—ang makisig na binatang lihim na nagpapatibok ng puso niya.
     Nang sa wakas ay waring kasihan siya ng tadhana at sagutin ng langit ang mga lihim na hiling ng puso niya, parang gusto na niyang makumbinsing reincarnation nga siya ni Cinderella. O coincidence lamang ba ang lahat?
     Malalaman lang iyon ni Lyra kung ever after din ang ending ng istorya nila ni Andrew.